Masigasig na lumahok ang mga kabataan ng World Mission Society Church of God sa paglilinis ng mga pangunahing kalye sa Barangay Socorro, Lungsod ng Quezon noong Ika-12 ng Agosto 2018. Nagpaabot ng suporta ang Tanggapan ng Barangay Socorro at ang Bureau of Fire Protection (BFP), gayundin ang Tanggapan ng Alkalde ng Lungsod ng Quezon.
Nagbigay ng mensahe na pampasigla ang Tagapangasiwa ng ASEZ WAO sa Pilipinas sa mga nakibahagi sa programang ito. Layunin ng gawaing ito na isagawa ang kalooban ng Makalangit na Ina at isikat ang liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng mabubuting gawa kasabay ng pagdiriwang ng Ika-100 taong kapanganakan ni Cristo Ahnsahnghong. Hindi inalintana ang ulan at pagragasa ng tubig sa mga estero, nagsumikap ang 130 miyembro ng ASEZ WAO na malinis nang mabuti ang mga kalye at kapaligiran, inaalala ang puso ng Makalangit na Ina.
Kamangha-mangha ang naging resulta nito kung saan 250 na sako ng basura ang nakolekta nila.
Ayon pa sa pahayag ng isang opisyal ng Barangay Socorro, "Ang mga tao na nagsasagawa ng ganitong proyekto ay pagpapalain ng Diyos sa hinaharap. Amen!” Maraming salamat sa ating Makalangit na Ama at Makalangit na Ina.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Republica Coreea
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Oficiul central: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Coreea de Sud
Biserica principală: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Coreea de Sud
ⓒ World Mission Society Church of God. All rights reserved. Politica de confidențialitate